The Quiet Change We Need / Sa Puso Nagsisimula and Pagbabago

1
497
CHANGE BEGINS IN THE HEART THAT STILL BELIEVES OUR LAND IS WORTH LOVING.
ANG PAGBABAGO AY NAGSISIMULA SA PUSONG NANINIWALANG KARAPAT-DAPAT PA RING MAHALIN ANG BAYANG ITO.

WHITE BUTTERFLY TEAM                                                                         

Ernie E. Maiipid, Jr, Nancy Chichioco-Razon, Arturo “Art” L. Zuñiga, & Celia “Celery” Tanseco-Lising

This reflection speaks from our shared longing — that faith may once again shape how we live as a people.

It is offered not as a statement, but as a prayer:
that we, as Church and nation, may remember where true change begins —
in hearts that work with dignity, and in hands that serve with love.

Isang Pagninilay mula sa White Butterfly Team

Ang pagninilay na ito ay nagmumula sa aming iisang hangarin —
na muling mamayani ang pananampalataya sa paraan ng ating pamumuhay bilang isang bayan.

Ito ay alay, hindi bilang pahayag, kundi bilang panalangin:
na tayo, bilang Simbahan at bansa, ay muling maalala kung saan talaga nagsisimula ang pagbabago — sa pusong marunong maglingkod nang may dangal, at sa mga kamay na marunong magmahal.

Opening Message

There are truths that do not accuse, yet pierce the heart with quiet honesty.

This reflection, drawn from a commentary invites us to look not at our government or our past, but at ourselves — at the daily choices that shape the soul of our nation.

Perhaps, in rediscovering the values that make a people strong, we may find the path to healing, one person — and one act of goodness — at a time.

There are moments when the Church must speak, not through pronouncements, but through reflection — through a voice that invites its people to look inward and rediscover the moral roots of faith.

This piece, The Quiet Change We Need — presented here together with its Tagalog version, Sa Puso Nagsisimula ang Pagbabago — echoes that call. It reminds us that the renewal of our country, and of the Church herself, begins not in great reforms or loud movements, but in the conscience of every person who chooses to do what is right.

To be a relevant Church is to be a light where there is confusion, a conscience where there is compromise, and a gentle reminder that holiness and integrity belong not only to the altar, but to daily life.

May this reflection stir in each of us a quiet but lasting desire to be the change our faith proclaims.

Ang Tahimik na Pagbabago na Kailangan Natin
May mga katotohanang hindi nanunumbat, ngunit marahang humahaplos sa ating budhi.
Ang pagninilay na ito, na hango sa isang komentaryo ay hindi tungkol sa pamahalaan o sa nakaraan — kundi tungkol sa atin mismo: sa mga munting pagpiling hinuhubog ang kaluluwa ng isang bansa.
Marahil, sa muling pagtuklas ng mga halagang nagpapalakas sa isang bayan, matatagpuan natin ang daan tungo sa paghilom — isang tao, at isang mabuting gawa, sa bawat sandali.

May mga sandaling ang Simbahan ay kailangang magsalita — hindi sa pamamagitan ng malalakas na pahayag, kundi sa pamamagitan ng tahimik na pagninilay. Isang tinig na nag-aanyaya sa atin na tumingin sa loob, at muling tuklasin ang ugat ng pananampalataya: ang buhay na may dangal, disiplina, at malasakit.

Ang pagninilay na ito, The Quiet Change We Need, kasama ng salin nitong Tagalog na Sa Puso Nagsisimula ang Pagbabago, ay paanyaya sa pagbabagong nagmumula sa konsensya. Ipinapaalala nitong ang tunay na pagbabago ng ating bayan — at ng Simbahan mismo — ay hindi nagsisimula sa mga reporma o kilusan, kundi sa bawat pusong pumipiling gumawa ng tama.

Ang pagiging isang “relevant Church” ay pagiging ilaw sa gitna ng kalituhan, konsensya sa harap ng pagkukulang, at paalala na ang kabanalan ay hindi lamang para sa dambana, kundi para sa bawat araw na isinasabuhay ang pananampalataya.

Nawa’y pukawin ng pagninilay na ito ang tahimik ngunit matatag na hangarin sa ating puso — na maging pagbabago sa daigdig na ating pinaglilingkuran.

Where We Stand

There are times when we ask ourselves, “Why have we remained poor as a nation?”
We have fertile lands, brilliant minds, and a faith that has endured storms.
Yet the years pass, and we still wonder: what holds us back?

A psychologist once said that the difference between rich and poor nations is not in the number of years they have existed, nor in the size of their land, nor even in the abundance of their natural resources.
It is found in something less visible but more powerful — the attitude of the people.

In some countries, citizens live by values that may sound simple but are deeply transformative:
honesty, respect for law, love for work, discipline, and responsibility.
They take pride in doing what is right even when no one is watching.
They come on time, keep their word, care for their surroundings, and think not only of themselves but of the generations after them.

It is not brilliance that makes them prosper.
It is character.

In contrast, where shortcuts are tolerated, where wrong is ignored with a shrug and the words “hayaan mo na,” a nation slowly weakens from within.
No law or leader can fully heal a people who have forgotten how to care, how to strive, and how to stand for what is right.

We are not poor because God has been unkind.
We are poor because we have not yet learned to value the small, daily choices that build a just and strong people.

If we truly love our country, change must begin quietly —
in the way we think, the way we speak, the way we live.
In the courage to correct what is wrong, even when it is easier to look away.

For a wrong cannot be corrected by another wrong.
It is only by doing what is right — patiently, faithfully —
that we can lift not only ourselves but the nation we call home.

Nasaan Tayo?

May mga pagkakataong tinatanong natin ang ating sarili, “Bakit tila nananatili tayong mahirap bilang bansa?”

Mayaman ang ating lupain, matatalino ang ating mga mamamayan, at matibay ang ating pananampalataya. Ngunit habang lumilipas ang mga taon, patuloy nating iniisip: ano ba talaga ang kulang sa atin?

Isang psychologist ang nagsabi: ang pagkakaiba ng mayayaman at mahihirap na bansa ay hindi nasusukat sa edad ng kanilang pagkakatatag, sa lawak ng kanilang lupain, o sa dami ng likas na yaman.

Ang tunay na pagkakaiba ay makikita sa isang bagay na hindi madaling sukatin — ang ugali at pananaw ng mga tao.

Sa mga maunlad na bansa, karaniwan nang bahagi ng buhay ng mga mamamayan ang mga halagang tila payak ngunit makapangyarihan:
katapatan, paggalang sa batas, pagmamahal sa trabaho, disiplina, at pananagutan.
Ipinagmamalaki nilang gawin ang tama kahit walang nakakakita.
Maaga silang dumarating, tinutupad ang kanilang pangako, inaalagaan ang kanilang kapaligiran, at iniisip hindi lang ang sarili kundi pati ang susunod na salinlahi.

Hindi talino ang dahilan ng kanilang pag-unlad.
Ito ay pagkatao.

Sa kabilang banda, kung saan tinatanggap ang pandaraya, kung saan ang mali ay binabalewala na lamang sabay sabing “hayaan mo na,” unti-unting humihina ang isang bayan.
Walang batas o pinuno ang makapagpapagaling sa mga taong nakalimot kung paano magmahal, magsikap, at manindigan sa tama.

Hindi tayo mahirap dahil ipinagkait sa atin ng Diyos ang biyaya.
Mahirap tayo dahil hindi pa natin lubos na pinahahalagahan ang mga munting pasyang bumubuo sa isang matuwid at matatag na bansa.

Kung tunay nating mahal ang ating bayan, ang pagbabago ay dapat magsimula sa tahimik na paraan —
sa paraan ng ating pag-iisip, sa ating pananalita, sa paraan ng ating pamumuhay.
Sa tapang na itama ang mali, kahit mas madali ang pumikit na lamang.

Sapagkat ang mali ay hindi naitatama ng isa pang mali.
Tanging sa paggawa ng tama — nang may pagtitiyaga at katapatan —
maaari nating maiangat hindi lamang ang ating sarili kundi pati ang bansang ito na ating tahanan.

THE HOPE OF THE NATION RESTS IN THE HANDS THAT WORK WITH DIGNITY AND LOVE.
ANG PAG-ASA NG BAYAN AY NASA MGA KAMAY NA MARUNONG MAGTRABAHO NANG MAY DANGAL AT PAGMAMAHAL.

Closing Message
No great change begins in the streets or in the halls of power.

It begins within — in the mind that chooses what is right,
in the heart that refuses to say “hayaan mo na,”
and in the spirit that believes our country is worth loving still.

May we become, each day, a little more worthy of the land we call home.
For the renewal of a nation begins with the renewal of its people.

Pangwakas na Mensahe

Ang dakilang pagbabago ay hindi nagsisimula sa lansangan o sa mga bulwagan ng kapangyarihan.
Nagsisimula ito sa loob — sa isipang pumipili ng tama,
sa pusong tumatangging sabihing “hayaan mo na,”
at sa espiritung naniniwalang ang ating bayan ay karapat-dapat pa ring mahalin.

Nawa’y bawat araw, maging kaunti mang hakbang, ay maging daan upang tayo’y maging mas karapat-dapat sa lupang ito.
Sapagkat ang tunay na pagbabago ng bansa ay nagsisimula sa pagbabago ng bawat isa sa atin.

AT DAWN, THE LAND AWAKENS IN LIGHT = A QUIET PROMISE THAT HOPE IS NEVER LOST.
SA BUKANG-LIWAYWAY, NAGIGISING AND LUPANG TINATANGLAWAN – TAHIMIK NA PAALALA NA KAILANMA’Y HINDI NAWAWALA ANG PAG-ASA.
Closing Prayer / Pagninilay sa Pagtatapos

Lord, teach us to be faithful in small things, for there begins the renewal of a nation.

Panginoon, turuan Mo kaming maging tapat sa maliliit na bagay, sapagkat dito nagsisimula ang pagbabago ng isang bansa.

(May the quiet light of truth guide us — that in choosing what is right, we may help our land to heal.)

(Nawa’y patnubayan tayo ng tahimik na liwanag ng katotohanan — upang sa pagpili ng tama, maging daan tayo sa paghilom ng ating bayan.)

1 COMMENT

  1. Amen.

    I am not just part of a crowd – I am part of a community! the change will start within me- the desire to do something, with the Holy Spirit guiding me to make changes in my small ways … Hopeful: for the healing of our nation.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here